Sampu patay habang 30 sugatan sa pag-araro ng isang police car sa prusisyon sa Nigeria

Sampu ang patay habang aabot sa 30 bata ang sugatan matapos na araruhin ng isang sasakyan ng pulis ang mga lumalahok sa prusisyon sa Nigeria.

Ayon kay State Police Spokesperson Mary Mallum, isang off-duty na pulis ang umararo sa mga tao gamit ang kaniyang kotse sa kasagsagan ng easter procession sa Northeast Nigeria.

Nasawi naman ang pulis, at kaniyang kaibigan na sakay ng umararong sasakyan dahil sa pag-atake ng mga galit na mamamayan.


Nabatid na may nakasagutan ang pulis matapos na hindi siya agad makadaan dahil sa prusisyon.

Facebook Comments