SUAL, PANGASINAN – Matagumpay na pinasinayaan ang isang programang pagpaparangal sa mga barangay na itinuturing na drug-cleared na ayon sa PDEA.
Masusing deliberasyon at assessment ang isinagawa ng Regional Oversight Committee kung pasok na nga ba ang mga barangay sa bayan upang masabing drug-cleared na ang mga ito.
Sa naging programa, iginawad sa sampung barangay ang “Certificate of Drug-Cleared Barangay” ng mga kawani ng Regional Oversight Committee na kinabibilangan ng mga barangay ng Baybay Norte, Bolaoen, Camagsingalan, Capantolan, Macaycayawan, Paitan West, Pangascasan, Santo Domingo, Seselangen at Sioasio West na idineklarang drug- cleared na ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay Municipal Administrator Daniel O. Dela Cruz, malaking tulong umano ang mga parangal na natanggap ng mga barangay dahil upang mabansagan na rin ang buong bayan na drug cleared kung saan hakbang ito tungo para mawala na ang paggamit ng ilegal na droga sa bayan.
Ang mga parangal na ito umano ay dahil sa determinasyon ng Barangay Anti-Drug Abuse Councils (BADAC) at bawat barangay secretaries sa mahigpit na pagpapatupad ng “Barangay Drug-Cleared Program” ng PDEA.
Samantala, malapit na rin maipatayo ang konstruksyon ng “Bahay Pag-asa” na siyang makatutulong sa kabuhayan ng mga drug surrenderers.