Sampung Electric Scooters, Ibinahagi sa Kapulisan!

Baguio, Philippines – Sampung scooters at may hinihintay pang sampung karagdagang Dualtron Electric Scooters ang ibinigay sa mga kapulisan ng lungsod ng Baguio para magamit sa pagroronda sa iba’t ibang lugar sa syudad.

Ayon kay Mr. Gary Vasquez, representative ng hindi pinangalanang donor ng mga scooters, ang mga sasakyang katulad ng Dualtron ay parang luxury car ng two-wheel world kung saan kaya nitong tumakbo ng 120 kph hanggang 200 kilometro, at hindi na kailangan ng gasolina basta kailangan lamang itong i-charge.

Dagdag pa niya na ang isang scooter ay katumbas ng isang sasakyan, ang pinagkaiba lang nito ay mas makakabawas sa polusyon ang scooters.


Kahapon, naitest drive ito kaagad para masukat ang takbo nito, sa mga ruta ng Kisad Road papuntang Baguio General Hospital at dumaan ng Military Cut-Off papuntang Pacdal diretsong Engineer’s Hill, Session Road at bumalik ng City Hall.

Ang Baguio City Police ang kauna-unahang pulisya na gagamit ng scooter sa buong bansa.

iDOL, maganda to ah, ano sa palagay mo?

Facebook Comments