Sampung illegal recruiter, arestado sa entrapment operation sa Parañaque

Kalaboso ang may-ari ng isang recruitment agency  at siyam na iba pa sa ikinasang entrapment operation sa Parañaque City.

 

Kinilala ang pangunahing suspek na si Leany Melanio, owner ng LJJK Manpower Services na nasa 3rd floor 15-a Victory Food Market sa Redemptorist Road, Brgy. Baclaran.

 

Si Melanio ay inireklamo ng isang geraldine bernardo dahil umano sa patuloy na paasaat paghingi ng pera kapalit ng pangakong trabaho.


 

Nagduda na si Bernardo kaya nang iverify sa Department Of Labor And Employment, lumitaw na hindi otorisado ang LJJK Manpower Services para mag-hire ng manggagawa.

 

Dahil dito, agad na nagpasaklolo si Bernardo sa Parañaque Police kaya’t naaresto si Melanio.

 

Dinakip  rin ang siyam na empleyado ng suspek pero depensa nila na hindi nila alam na peke pala ang pinapasukang opisina.

 

Nanawagan naman ang pulisya sa iba pang nabiktima na maghain ng reklamo para tuluyan nang mabulok sa kulungan ang mga suspek.

Facebook Comments