Plano ng Pamahalaang Panlalawigan na makapagpatayo ng sampung ospital at specialty hospitals upang mailapit ang mas pinalawig na serbisyo medikal sa mga Pangasinense.
Kabilang ito sa mga inisyatiba na maiangat ang antas ng kalusugan at mahikayat ang mga Pangasinense na magpagamot nang walang iniisip na problema sa pinansyal.
Tinalakay rin ang layunin ng lalawigan na maging pilot province para sa PhilHealth YAKAP Program, na nakatuon sa mas pinalawak na access sa health insurance services.
Matatandaan na una nang inihayag ang pagtatag ng mga pasilidad para sa iba’t-ibang pangangailangan sa puso, kanser, rehabilitasyon at kapakanan ng ina at kabataan.
Facebook Comments









