Nagbigay-inspirasyon ang sampung pares ng mag-asawa na may mahigit 20 taon nang pinagsamahan sa katatapos lamang na “I Heart You” Valentine’s Day Promo ng 104.7 IFM Dagupan.
Ang mga napiling kalahok ay patunay na ang pagmamahalan ay tumitibay sa paglipas ng panahon.
Naging daan ang 104.7 IFM Dagupan upang mas maging espesyal ang kanilang Valentine’s Day noong Sabado nang personal silang puntahan sa kani-kanilang tahanan sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan.
Tinanggap nila ang bouquet of flowers, bigas, lechon manok, turmeric drinks, at IFM merchandising T-shirt bilang simpleng handog ng pasasalamat at pagkilala sa kanilang matatag na pagsasama.
Habang sila’y nagkukuwento, ibinahagi nila ang naging pundasyon ng kanilang relasyon ang pag-uunawaan, respeto, bukas na komunikasyon, walang sawang pagmamahal, pagtitiwala sa isa’t isa, at higit sa lahat, pagdarasal at paglalagay sa Diyos sa sentro ng kanilang pagsasama.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinatunayan ng IFM Dagupan na ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang ipinagdiriwang tuwing Valentine’s Day, kundi araw-araw na pinahahalagahan at pinagtitibay
Ang tagumpay ng aktibidad ay naging posible katuwang ang ating sponsors, ang RMN Networks, Highland Flower Shop Dagupan, Mils Printing Services, Tsidkenu’s Lechon House, Turmeric Drinks by Good Potion Food Products at ng Seth Medical Diagnostic Center.










