Sampung residente ng Brgy. Magtanggol sa Pateros, nakatanggap ng maagang handog ng RMN Radyo Saya!

Ito ay matapos na mag-ikot ngayong araw ang DZXL Radyo Trabaho team sa nasabing barangay.

Agad naman nagpasalamat si Chairman John Peter Marzan dahil napili ang kanilang barangay na handugan ng maagang pamasko.

Kabilang sa mga maswerteng nakatanggap ng RMN at ACS bags ay sina Agnes Ramiso, Eden Diaz, Josephine Menguito, Ruth Ponce, Ernesto Nasayao, Paul Saranguero, Lucila Arellano, Flor Sanchez, Niel Maxilom at Sorito Calang.


Bukod sa groceries, hygiene products at Radyo Trabaho merch items, nakatanggap din sila ng cash prize para sa “unique smile of the day.”

Ang RMN Radyo Saya ay taunang isinasagawa ng Radio Mindanao Networks sa lahat ng mga himpilan sa buong bansa at siya namang launching ngayon taon sa DZXL Radyo Trabaho.

Katuwang sa proyektong ito ng Radio Mindanao Networks Inc., ang ACS Manufacturing Corp., makers of unique toothpaste.

Facebook Comments