COVID cases sa bansa, mahigit 311,000 na; DFA, walang naitalang karagdagang mga Pinoy na gumaling at namatay sa COVID-19 sa abroad

Umaabot na sa 311,694 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 2,426 na bagong kaso.

Sa nasabing bilang, 52,702 ang active cases.


585 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ngayon ay 253,488.

Habang 58 ang bagong binawian ng buhay kaya ang total fatalities ngayon ay 5,504.

Samantala, wala namang naitala ang Department of Foreign Affairs na bagong Pilipinong gumaling at binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, ang total recoveries ay nananatili sa 6,727 habang ang total deaths ay nananatili sa 792.

27 naman na mga Pinoy ang bagong na-infect ng nasabing virus sa abroad kaya ang total cases ngayon ay 10,534.

Sa nasabing bilang, ang active cases ay 3,015.

Facebook Comments