Malakanyang, tiniyak na on top of the situation ang mga awtoridad sa Palawan

Manila, Philippines – Sa gitna ng seguridad sa Palawan, tiniyak ngayon ng Malakanyang na on top of the situation ang mga awtoridad.

Ayon kay Presidential Communicatons Spokesman Ernesto Abella – naka-heightened alert status na ngayon ang Western Command para masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Mahigpit din aniyang nakikipag-ugnayan ang Wescom sa Philippine Coast Guard, Philippine National Police at maging sa Provincial Government ng Palawan at City Government ng Puerto Princesa.


Partikular na binabantayan ng mga awtoridad ang entry at exit points maging ang mga coastal areas para hindi makapasok ang mga terorista.

Una rito, naglabas na ng advisory ang Amerika sa kanilang mamamayan na mag ingat sa pagtungo sa Palawan dahil sa nakalap na impormasyon na magsasagawa ng pangingidnap ang mga teroristang grupo.

DZXL558

Facebook Comments