Sampung Tulak ng Droga sa Rehiyon Dos, Nakakulong Na!

Matagumpay na naaresto ang sampung tulak ng droga sa rehiyon dos sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan at nakahanda nang isampa ang kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act laban sa mga ito.

Sa ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2, ang sampung tulak ng droga ay kinabibilangan nina Richard Ambiong sa Brgy. Centro 9, Aparri, Cagayan; Ferdinand Del Rosario sa Brgy. Magapit,Lal-lo, Cagayan; Virgilio Arculesa alyas “CANO” sa Santiago City; Bienvenido Cainguitan alyas “BEN” sa Claveria, Cagayan; Garry Gabarda sa Jones, Isabela; Jaypee Gabriel sa Mambabanga, Luna, Isabela; Armenio Miguel Sr. sa Roxas, Isabela; Franco Luis Dela Cruz sa Santiago City; Marion Abad sa Deffun Quirino; Kyle Soriano sa Baler Aurora ngunit kasalukuyang nakatira sa San Manuel, Isabela.

Karamihan umano sa mga naaresto ay mga naaktuhang nagbenta ng droga sa mga nagpanggap na buyer kung saan ang iba ay dati nang drug surrenderees at ang ilan ay mga bagong drug personality.


Samantala nagpaabot ng pagpuri si Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario M. Espino sa lahat ng police stations na may matagumpay na operasyon maging sa iba pang kapulisan at ipagpatuloy ang pagtutulungan na linisin ang buong Cagayan Valley laban sa iligal na droga.

Facebook Comments