Sampung units ng Class 2 Modern PUJs, nagsimula nang bumiyahe sa rutang Grotto, San Jose Del Monte City Bulacan-Novaliches, Quezon City

Umarangkada na ang biyahe ng nasa Sampung units ng Class 2 Modern Public Utility Jeepneys sa rutang Grotto sa San Jose Del Monte City Bulacan, hanggang Novaliches sa Quezon City.

Kasunod ito ng inilunsad na mga bagong units sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at mga Transport Stakeholders.

Sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, ang Modernized Public Utility Vehicles ay dinisenyo na environment-friendly, ligtas, at komportable lalo na sa mga pasaherong may kapansanan.


Ang PUV Modernization Program ay flagship, non-infrastructure project ng Duterte administration na layong makapagbigay ng kumbenyenteng transport system sa bansa.

Facebook Comments