Tinatahak na ng tropical depression ‘Samuel’ ang West Philippines Sea.
Huling namataan ang bagyo 90 kilometers hilaga – hilagang kanluran ng Puerto Princesa, Palawan.
Napanatili nito ang kanyang lakas ng hanging nasa 45 kilometers per hour at pagbugsong 65 kph.
Kumikilos pakanluran sa bilis na 25 kph.
Tanging Palawan kasama ang Calamian Group of Islands na lamang ang nasa ilalim ng *tropical cyclone warning signal number 1* at asahan pa rin makakaranas ang lugar ng katamtaman hanggang sa malalakas na ulan.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – magiging maulan pa rin sa ilang bahagi ng Luzon dulot ng hanging amihan.
Inaasahang lalabas ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.
Facebook Comments