Samurai armor para sa mga aso at pusa, ibinebenta sa Japan

Manila, Philippines – Isang kumpaniya ang nakaisip ng bagong ideya para magkaroon ng kakaibang costumes ang mga alagang aso at pusa.
Inilabas ngayon ng kumpaniyang *samurai age* ang mga armor at helmet na babagay mismo sa mga aso at pusa na kung saan sakto ito sa tradisyon ng mga Hapones bilang pagkilala sa kanilang mga naunang nilang Warrior na mga samurai.
Nabatid kasi na in-na-in ngayon ang mga costumes para sa mga alagang hayop pero ang iba dito ay hindi katulad ng mga binebenta ng nasabing kumpaniya dahil mas maganda naman daw ito kumpara sa mga damit na nakasanayan na.
Maaari mo naman daw itong ma-order via online depende sa size ng iyong alaga at nagkakahalaga ito ng 4,040 yen (P1,800.00) hanggang 16,416 yen (P7,311.00).
DZXL558

Facebook Comments