Blackwater Import Greg Smith, nais pa rin maging bahagi ng Gilas Pilipinas matapos ang laro nito sa PBA Commissioner’s Cup

Manila, Philippines – Nais ngayon ng import ng Blackwater Elite na si Greg Smith na maglaro sa Gilas Pilipinas matapos ang naging performance nito sa PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay Greg, kahit na hindi naging maganda ang kampaniya ng Elite at maagang natanggal sa elimination, gusto pa rin nitong bumalik sa Pilipinas para maglaro kung saan panalangin niya na makasama siya sa line-up ng national basketball team.

Matatandaan na dati nang naimbitahan si Greg bilang practice player ng Gilas at kasalukuyan na din kinakausap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang agent nito dahil plano ng SBP na magkaroon ng pool para sa mga naturalized player candidates.


Hindi pa naman tiyak kung maglalaro ang naturalized player na si Andray Blatche sa Fiba Asia Cup sa Agosto.

DZXL558

Facebook Comments