Manila, Philippines – Nabunyag sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ang iba’t ibang kapalpakan at kapabayaan sa nangyaring Tanay Bus Tragedy.
Ayon kay Senator Grace Poe, chairperson komite, maraming naging pagkakamali kaya naganap ang insidente kung saan 15 katao ang nasawi.
Lumabas kasi aniya sa imbestigasyon na nakareshistro ang bus ng 2004 pero ang makina nito ay noong 1988 pa ginawa.
Nabulgar din sa pagdinig na ang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ay siyam na piraso lang at apat lamang ang gumagana.
Kinuwestiyon din ni Poe ang kakayahan nito na malaman kung maayos ba talaga ang takbo ng segunda-manong sasakyan kung aapat lamang na MVIS ang functional.
Nakita rin ni Poe ang kapabayaan ng Best Link College dahil walang kasamang guro sa bawat bus na bumiyahe patungong camp site nang maganap ang trahedya.