San Beda Alumni, hinimok si Pangulong Duterte na bawiin ang pahayag ukol sa West Philippine Sea

Ipinababawi ng mga alumni mula sa San Beda ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa West Philippine Sea.

Ayon sa grupo, hindi dapat panindigan ni Pangulong Duterte na kapwa nila San Beda Alumnus ang pahayag nito na ang Arbitral win ng bansa laban sa China ay dapat binabalewala.

Habang dapat din anilang tiyakin ni Pangulong Duterte na mandato nito na protektahan ang teritoryo at Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa alinsunod sa Philippine Constitution.


Ang pahayag ng San Beda Alumni ay nilagdaan ng mga dating Pangulo at opisyal ng mga organisasyon sa kolehiyo, pati na rin ng mga propesyonal sa iba’t ibang larangan.

Facebook Comments