Bakuna ng Moderna, magiging abot-kaya na ang presyo ayon sa PRC

Magiging abot-kaya na para sa publiko ang bakuna ng Moderna laban sa COVID-19 ayon sa Philippine Red Cross (PRC).

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, sa halagang 3,500 ay maaari na itong mabili para sa dalawang doses.

Inaasahan darating naman ang 200,000 doses ng Moderna sa bansa sa susunod na buwan mula sa US pharmaceutical giant.


Sa ngayon, nakapag-procure na rin ang PRC ng bakuna ng AstraZeneca ngunit malabo pa ang pagdating nito sa bansa ngayong taon.

Facebook Comments