Naglabas ng pahayag ang San Beda University (SBU) hinggil sa pagkakadawit nila sa 18 mga unibersidad kung saan nangyayari ang umano’y aktibong recruitment mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga estudyante.
Sa pahayag, itinanggi ng unibersidad ang naturang akusasyon ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan binibigyang-diin nila ang kahalagahan ng academic freedom.
Iginiit din ng pamunuan ng San Beda na hindi nila papayagan na sumali o umanib ang kanilang mga faculty members, estudyante at iba pang personnel sa isang samahan na nagpapahayag ng walang pananalig at maling ideolohiya gayundin ang ibang grupo na nagtataguyod ng karahasan at destablisasyon.
Hindi rin daw pumapanig ang nasabing unibersidad sa anumang asosasyon na hindi naniniwala sa alituntunin ng batas, pagtuturi ng simbahan at sa ilalim ng Benedictine Education.
Kasama ng mga administrators, faculty, estudyante at personnel mananatili ang San Beda University na walang kinakaanibang organisasyon na ang nais lamang ay manggulo sa kapayapaan, hustisya at kalayaan.