SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Umabot na sa 66.45% o kabuuang 93,174 na individwal mula sa lungsod ng San Carlos ang nakatanggap ng dalawang doses ng bakuna o maituturing na fully vaccinated.
Habang nasa 76.41% o 107,133 naman ang nabakanunahan na para sa first dose mula sa lahat ng target population sa siyudad kaugnay sa nagpapatuloy na pagbabakuna kontra COVID19.
Matatandaan noong buwan ng Marso noong nakaraang taon nagsimula ang bakunahan sa lungsod at wala pang isang taon ay umabot na sa halos kalahating porsyento ng target population ang nabakunahan.
Mabilis rin umano ang bakunahan dahil sa pagkakaroon ng maayos na sistema sa Vaccination sites na kung saan ang pagkakaroon ng sariling Vaccination System ay isa sa nagpapabilis nito, at ang pagtatalaga ng 12 vaccination sites para sa mabilis na pagbabakuna at at sa patuloy na pagdating ng mga bakuna sa lungsod.
Nangunguna rin ang San Carlos City sa may pinakamaraming nabakunahan mula sa Pediatric Population na 12-17 years old na umabot na sa 78.63% o 18,798 fully vaccinated at 88.98% o 21,272 na indibidwal ang nabigyan ng first dose.
Inaasahan na magpapatuloy ang bakunahan hanggang sa maabot ang target population for herd immunity.
Inaanyayahan naman ang lahat ng mga hindi pa nabakunahan na magtungo sa kanilang mga Rural Health Units upang mabakunahan at malayo sa banta ng komplikasyon dulot ng COVID-19.
Samantala sa mga susunod na araw ay nakatakdang bakunahan ang nasa 33,084 na indibidwal para sa kanilang first dose. | ifmnews