SAN CARLOS CITY LIBRARY, NAGBUKAS NG REGISTRASYON PARA SA LIBRENG 3-DAY SOCIAL MEDIA MARKETING TRAINING

Inaanyayahan ng San Carlos City Library ang mga kwalipikadong residente ng lungsod na lumahok sa libreng tatlong araw na Social Media Marketing Training na gaganapin sa Nobyembre 24–26, 2026.

Layunin ng pagsasanay na mabigyan ng sapat na kaalaman at praktikal na kasanayan sa social media marketing ang mga may-ari at namamahala ng Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) upang higit pang mapalakas ang kanilang negosyo at mapalawak ang kanilang merkado sa digital platform.

Nagsimula na ang registration ngayong Nobyembre 12, 2026 at bukas ito para sa mga residenteng edad 18 pataas, may-ari o namamahala ng isang micro, small, o medium enterprise, handang matuto ng mga bagong kasanayan at estratehiya sa negosyo, at makadadalo sa kabuuan ng tatlong araw na pagsasanay.

Maaaring magparehistro nang personal sa San Carlos City Library na matatagpuan sa ikalawang palapag ng City Hall Building, Palaris Street, San Carlos City, Pangasinan.

Nilinaw ng pamunuan na 20 kalahok lamang ang tatanggapin sa pamamagitan ng first come, first served basis. On-site registration lamang ang pinapayagan at walang online reservation. Maaari ring isara ang pagpaparehistro kapag napuno na ang mga slot.

Hinihikayat ang mga kwalipikadong MSME owners at managers na samantalahin ang pagkakataong ito upang mapahusay ang kanilang kaalaman sa digital marketing, mapalawak ang kanilang customer reach, at higit pang mapaunlad ang kani-kanilang negosyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments