BAGONG MULTI-PURPOSE BUILDING, ITATAYO SA BRGY. II AT III SA DAGUPAN CITY

Isang bagong Multi-Purpose Building ang nakatakdang itayo sa Barangays II at III bilang bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaan na mapabuti ang mga pasilidad at mapalapit sa mga residente ang mga serbisyong pampubliko.

Nilagdaan ang mga kaukulang dokumento para sa konstruksyon ng proyekto ni Mayor Belen Fernandez kasama sina City Engineer Josephine Corpuz at Public Employment Service Office (PESO) Manager Joy Siapno.

Inaasahang magsisilbing karagdagang pasilidad ang nasabing gusali para sa iba’t ibang pangangailangan ng komunidad, gayundin sa paghahatid ng mas accessible at maayos na serbisyo para sa mga Dagupeno.

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng bagong Multi-Purpose Building, inaasahang magkakaroon ng mas maayos na espasyo para sa mga aktibidad at serbisyong pangkomunidad sa Barangays II at III. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments