
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa pagdiriwang ng Civil Registration Month 2026 bilang pagkilala sa mahalagang papel ng civil registration sa pagtatatag ng identidad, karapatan, at access ng mamamayan sa mga serbisyong panlipunan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng pagdiriwang na palakasin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng maagap at wastong pagrerehistro ng mahahalagang pangyayari sa buhay tulad ng kapanganakan, kasal, at kamatayan.
Kaugnay nito, inaasahang magsasagawa ang City Civil Registry Office ng iba’t ibang aktibidad at information campaign sa buong buwan ng Pebrero upang maipaabot sa mga residente ang mga serbisyong kaugnay ng civil registration at ang benepisyo nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Binigyang-diin din na mahalaga ang pagkakaroon ng maayos at kumpletong talaan ng datos upang mas mapabuti ang pagpaplano ng mga programa at serbisyong panlipunan ng pamahalaan.
Patuloy naman ang panawagan ng lungsod sa publiko na makiisa at suportahan ang mga inisyatiba na naglalayong itaguyod ang mas episyente at makabagong sistema ng civil registration para sa mas maunlad na San Carlos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










