
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos sa pambansang paggunita ng ika-129 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose P. Rizal kahapon, bilang bahagi ng taunang pag-alala sa buhay at kontribusyon ng pambansang bayani sa kasaysayan ng bansa.
Isinagawa ang isang programa sa Liwasang Bayan, sa harap ng Bantayog ni Rizal, kung saan binigyang-diin ang mga aral at pagpapahalagang iniwan ng bayani, kabilang ang pagmamahal sa bayan, edukasyon, at mapayapang pagtataguyod ng reporma.
Ayon sa pahayag, dumalo sa paggunita ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, mga kasapi ng Knights of Columbus, kinatawan mula sa ilang pambansang ahensya, at iba pang panauhin.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang paggunita ay nagsisilbing paalala sa mga San Carlenian ng patuloy na kahalagahan ng mga adhikain ng naturang bayani, na nananatiling gabay sa pagsusulong ng makabayan na paglilingkod sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









