Mula sa kahanga-hanga nitong architectural beauty hanggang sa mayamang kasaysayan, hindi maipagkakailang isa ang San Fabian Church o Church of St. Fabian sa mga dinarayong simbahang katoliko dito sa Pangasinan.
Itinayo taong 1768 ng isang Dominican priest, Fr. Francisco Ferrer isang pope at martyr, subalit nasunog ng taong 1856 at tuluyang itinayo ng taong 1860 at mula noon ay naging prominente na itong puntahan ng mga mananampalataya.
Isa ang simbahan sa hindi nakakalimutan at pinipili ng mga daang-daang mananampalataya na isali sa walong simbahan para sa kanilang visita Iglesia.
Bagamat maganda na ito sa labas, lalo kang mamamangha kapag nakapasok ka na sa loob nito dahil sa ganda ng interior design na sumasalamin sa kultura at kasaysayan ng bayan ng San Fabian.
Kaya isama na ang Church of St. Fabian sa inyong destinasyon para sa visita iglesia ngayong Holy Week kalakip ang panalangin sa ating Dakilang Lumikha. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨