Nakatakdang sumailalim sa Enhanced Community Quarantine o ECQ ang San Fernando City sa probinsiya ng La Union matapos maitala ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 Delta Variant.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nakatakdang ipatupad ang ECQ sa ika-1 ng Oktubre kung sakali mang aprubahan ang kahilingan nito sa Provincial Government ng La Union at ng Regional IATF.
Una rito, inactivate ng San Fernando City ang kanilang comprehensive contingency plan para sa COVID-19 Delta Variant.
Nakipag ugnayan na ang COVID-19 Task Force sa mga barangay at apektadong establisyimento para sa gagawing lockdown restriction, quarantine passes at relief goods.
Sa kasalukuyan mayroong higit isang libong aktibong kaso ng COVID-19 ang San fernando City.
Facebook Comments