CAUAYAN CITY- Puspusan ang paghahanda ng mga tauhan ng San Francisco Public Cemetery para sa nalalapit na undas sa Lungsod ng Cauayan.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Asley Palos Direct Supervisor ng San Francisco Public Cemetery, kabilang sa paghahandang isinasagawa nila ay ang paglilinis at pagsasaayos ng mga ilaw at mga street lights patungo sa sementeryo.
Aniya, nagsisimulang dumagsa ang mga bumibisita sa sementeryo tuwing ika-30 ng Oktubre.
Katuwang ng kanilang hanay ang kapulisan ng Cauayan at mga Non-Governmental Organization sa pagbabantay at pagsiguro sa kaligtasan ng bawat bibisita sa naturang sementeryo.
Dagdag pa niya, bagama’t payapa ang undas sa nasabing libingan ay mahigpit na ipinapaalala ang pagsunod sa mga patakaran katulad ng pagdala ng ipinagbabawal na gamit kagaya ng matutulis na bagay at mga nakalalasing na inumin.
Samantala, pinapayuhan rin ang mga dadalaw na magdala ng kagamitan panangga sa ulan lalo na at madalas nakakaranas ng pag-ulan sa Lungsod.