San Juan City, 17 na araw nang sunud-sunod na walang naitalang nasasawi sa COVID-19

Ikinatuwa ngayon ng lokal na pamahalaan ng San Juan City ang ulat ng Health Department nito na 17 araw nang sunud-sunod na walang naitatalang nasawi bunsod ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Kaya naman nanatili sa 47 ang kabuuang bilang ng nasawi ng sa lungsod ng dahil sa virus.

Ngayong araw, nasa 277 naman ang kabuuang bilang ng active cases sa naturang lungsod, matapos magkaroon ito ng 24 na bagong kaso ng COVID-19.


Habang anim naman ang naidagdaga sa bilang ng recoveries nito na umabot na ng 326.

Sa kasalukuyan, ang San Juan City ay mayroong 650 na kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases.

Samantala, 114 naman ang bilang suspected case sa lungsod.

Facebook Comments