Pinulong ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang lahat ng mga Department Head ng San Juan City Government upang maging handa ang lungsod matapos na makumpirma ng Department of Health (DOH) na dalawa ang nagpositibo sa n-CoV kung saan isa rito ang namatay.
Ayon kay Mayor Zamora napakahalaga ang pagiging handa ang lungsod kaya nagpakabit siya ng non-contact infrared thermometer sa loob ng San Juan City Hall upang madect kung mataas o mababa ba ang temperatura ng isang tao at namigay din ng hand sanitizers sa lahat ng mga empleyado.
Paliwanag ng alkalde dapat maging malinis ang lahat ng mga empleyado at kinakailangang magsuot ng surgical mask o N95 mask para makaiwas na rin sakaling makahalubilo ng taong mayroong sakit o virus.
Pinayuhan din ni Zamora ang publiko na agad na magpakunsulta sa mga doktor sakaling may sipon,lagnat at ubo dahil isa ito sa mga sintomas ng n-CoV.