San Juan City LGU, may pakiusap sa mga residente matapos isailalim sa COVID-19 Alert Level 3 ang NCR

May pakiusap ang pamahalaang lungsod ng San Juan sa mga residente na patuloy pa rin ang pagsunod sa mga health protocol kontra COVID-19 kahit nasa Alert Level 3 na ang COVID-19 status sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Mayor Franciso Zamora, hindi dapat maging kampante dahil mayroon pa ring banta sa kalusugan na dala ng COVID-19.

Mas mainam pa rin aniya na magsuot ng face mask at face shield at sundin ang social distancing kapag nasa matataong lugar at closed areas.


Aniya, mas dadami na ang lalabas na tao ngayong nasa Alert Level 3 na ang Metro Manila.

Pero natutuwa siya na lumuwag na sa Alert Level 3 ang COVID-19 status sa Metro Manila dahil aniya, isa itong indikasyon na bumubuti na ang COVID-19 situation sa rehiyon.

Sa ngayon, ang lungsod ng San Juan ay mayroon pang 348 na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments