San Juan City, may 9 na bagong kaso ng COVID-19

Nadagdagan naman ng siyam na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang San Juan City.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Health Office o CHO nito.

Sa kasalukuyan, meron ng kabuuang bilang na 169 na confirmed COVID-19 cases ang nasabing lungsod.


Nasa 316 naman ang bilang ng suspected COVID-19 cases at 30 na ang nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.

Ang Barangay Greenhills pa rin ang nangunguna sa may pinakamaraming COVID-19 cases na umabot na ng 35.

Sinundan ito ng West Crame na may 17 at Sta. Lucia na merong 15 confirmed cases ng nasabing virus.

Facebook Comments