Violators sa 29 na araw na ECQ, umabot na sa mahigit 114,000 indibidwal

Dumami pa at ngayon ay umakyat na sa 114, 972 indibidwal ang nahuli ng Joint Task Force COVID Shield dahil sa paglabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay JTF Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, 69,669 na violators ay naitala sa Luzon, 20,555 ay sa Visayas at 24,748 na lumabag ay sa Mindanao.

6,023 dito ay na electronic inquest at 21,368 ay nasampahan ng kaso for regular filing.


Ang bilang ng mga naaresto ay naitala mula March 17 hanggang April 14 2020.

Samantala umabot na rin sa 696 ang naaresto dahil sa pagho-hoard at pagbebenta ng overpriced medical equipments, pinakamarami sa naaresto ay naitala sa Luzon na umabot sa 490.

Facebook Comments