San Juan City, may paliwanag kung bakit 10% palang ang nabibigyan ng SAP cash aid

Dumipensa ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan City kung bakit nasa 10% pa lang ang kanilang nabibigyan ng ayudang pinansyal mula Social Amelioration Program o SAP ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ayon kay San Juan City Mayor Francisco Zamora, apektado ng kanilang pamamahagi ng SAP sa ipinapatupad na social o physical distancing at pag-validate ng mga benepisyaryo nito.

Nagbabahay-bahay din aniya sila sa mga senior citizen na benepisyaryo ng SAP.


Aniya noong isang araw lang sila nagsimulang ipamahagi ang nasabing ayuda.

Kaya naman humihingi pa nga lima hanggan 10 araw para makumpleto ang 100% SAP distribution para sa unang bahagi nito.

Kung magkamali aniya sa pamimigay nito maaari siyang maharap sa kasong administratibo.

Ang San Juan City ay binigyan ng DSWD ng 16,309 slot para sa SAP.

Matatandaan, ngayong araw ang ibinigay na deadline ng Department of the Interior and Local Government o DILG sa mga Lokal na Pamahalaan sa pamamahagi ng unang bugso ng SAP.

Facebook Comments