Kauinting sakripisyo na lang, ito ang pakiusap ni San Juan City Mayor Francisco Zamora sa kanyang mga residente ngayon sa ika-apat na linggo ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Mayor Zamora, ipagpatuloy pa rin ang pag sunod na ipinatutupad na precautionary measures ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF-EID.
Tulad, aniya, ng pananatili sa loob ng mga tahanan, pagsuot ng mask lalo na kapag lumalabas ng bahay, pag-obserba sa social distancing, paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, paggamit ng alcohol na may 70% solution, at palagiang pag disinfect ng paligid.
Sa bagong tala ng City Health Office ng nasabing lungsod, umabot na sa 131 na COVID-19 positive at nasa 24 na ang nasawi, habang pito palang ang gumagaling.
Nasa 180 na ang persons under investigation (PUIs) at 476 ang persons under monitoring (PUMs).