San Juan City PESO, sige pa rin sa pagbibigay trabaho kahit abala sa Business Permit and license issuance at renewals

Abala ngayon ang tanggapan ng San Juan City Hall sa pag-iisyu ng Business Permit certificate at licenses, kasabay rin ng  pag-arangkada ng renewal ng mga ito sa naturang lungsod.

Ayon kay Ms. Angie Zeta, isa sa opisyal ng San Juan City PESO, naging kalakaran na kanilang tanggapan na ibuhos ang buong buwan ng Enero sa pag-isyu ng naturang sertipiko bilang bahagi ng kanilang mandato ayon sa San Juan City Ordinance #30, Series of 1995.

Paliwanag ni Zeta, inaatasan ng naturang ordinansa ang lahat ng mga business establishment sa buong San Juan City na siguraduhing 50% ng kanilang mga trabahante ay taga-San Juan City.


Gayundin, na ang ibinibigay nilang sertipiko ay magsisilbing monitoring record upang malaman kung sino ang mga sumusunod sa naturang batas.

Samantala, nilinaw naman ni Zeta na sa ganitong sitwasyon, prayoridad pa rin nila ang mga walk-in na naghahanap ng trabaho.

Sa katunayan, pagsapit ng Pebrero, sisimulan naman nila ang kanilang regular na “in-house” hiring kasama ang hindi bababa sa limang (5) employer tuwing Sabado.  (RadyoMaN Ronnie Ramos)

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS #XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

 

Facebook Comments