San Juan City PESO, titiyaking may papasukang trabaho ang mga graduates ngayong taon

40

 

Hindi man lahat, titiyakin ng San Juan City PESO na may mapapasukang trabaho ang mga magsisipagtapos ng kolehiyo ngayong taon.

Ayon kay Ms. Angie Zeta, Job Fair-In-Charge ng San Juan City PESO, gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagdaraos ng Job Fair sa mga unibersidad at sisimulan nila ito bukas sa PUP San Juan kung saan, isang Mega Job Fair ang kanilang inihanda para sa mga graduating students ng naturang pamantasan.

 

12  kumpanya ang nag-alok ng trabaho sa mga ito.

 

Samantala, naghahanap ngayon ang San Juan City PESO ng mga construction company kung saan nila ire-refer ang mga nakapilang aplikante sa pagka-welder sa kanilang tanggapan.

 

Naghahanap din ang San Juan City PESO ng mga aplikante naman sa pagka-marketing personnel upang kanilang mai-refer sa kanilang partner employer, kailangan ang mga ito ay nagtapos ng kursong marketing o kahit na anong 4-year course na katumbas nito. (DZXL RADYO TRABAHO – RadyoMaN Ronnie Ramos)

 

 

Facebook Comments