Ikinatuwa ni San Juan City Mayor Francisco Zamora ang pagtutol ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatutupad ang Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa buong bansa.
Ayon kay Mayor Zamora, ang nasyonal at lokal na pamahalaan ay ginagawa ang lahat ng paraan upang maibsan ang malaking masamang epekto sa ekonomiya ng GCQ.
Katulad aniya ng ginagawa ng San Juan City Government na kung saan umabot na ng 15 wave o bugso ang kanilang pamamahagi ng food assistance.
Bukas na rin aniya ang 75% na mga business establishment sa lungsod.
Gumawa rin ang pamahalaang lungsod ng mga ordinansa na alinsunod sa new normal, kasama na ang pagsusuot ng face mask, face shield, at social distancing.
Sa kabila ng pagtugon sa pang-ekonomiya ng lungsod, tinitiyak naman ng lokal na pamahalaan na hindi kakalat ang COVID-19 sa lungsod.