Itinaggi ng pamunuan ng San Lazaro Hospital na nagkukulang na sila ng mga staff na tutugon sa COVID-19 patients.
Ito ginawang pagilinaw ng mga namumuno sa San Lazaro Hospital matapos ihayag ng isa nilang health worker na nasa 12 oras na ang kanilang duty mula sa dating walong oras.
Nabatid kasi na umakyat na sa 40 health workers ang tinamaan ng COVID-19 kung kaya’t nadagdagan ang oras ng trabaho ng ibang nurse.
Bukod dito, kakaunti na rin ang mga Personal Protective Equipment (PPE) na ginagamit ng health workers kung saan inamin naman ng San Lazaro Hospital na paulit-ulit nilang ipinapagamit ang N95 mask basta’t nasusunod ang disinfection policy.
Bumababa na rin ang moral ng mga nurse dahil sa hinihingi nilang dagdag benepisyo pero inihayag ng San Lazaro Hospital na sumusunod naman sila sa itinakdang sweldo at benepisyo para sa health workers na tumutulong para mapigilan ang paglaganap ng COVID-19.