SMB at TNT Katropa, umabot ng higit 100 puntos para manalo sa kani-kanilang laban sa PBA Governors’ Cup

Inilampaso ng TNT katropa ang Blackwater Elite, 135-107 sa PBA Governor’s Cup.

Ayon kay TNT Import KJ Mcdaniels, na best player of the game (41 points, 21 rebounds), mas gagalingan pa nila ang mga susunod na laro.

Pinatikim naman ng San Miguel Beermen ang pangalawang pagkatalo ng Phoenix Fuelmasters, 130-119.


Sinabi ni Alex Cabagnot, na best player of the game (23 points, 5 rebounds), gumana ang kanilang game plan dahil na rin sa partisipasyon ng kanyang mga ka-teammates.

Sa standings, kapwa may isang panalo na ang TNT at SMB.

Facebook Comments