Top 1 Most Wanted Person sa Lambak ng Cagayan, Naaresto na!

*Cauayan City, Isabela- *Hawak na ng mga alagad ng batas ang Top 1 Most Wanted person sa buong Lambak ng Cagayan matapos na maaresto ng pinagsanib na pwersa ng Kasibu Police Station, Provincial Intelligence Branch Team (PBIT) at Lupao Police Station sa Brgy. Namulandayan, Lupao, Nueva Ecija.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Jobs Videz, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang akusado ay nakilalang si Nixon Guillermo, 49-anyos, binata, magsasaka at residente ng Purok 2, Brgy. Alloy, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Si Guillermo ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Paul Attolba Jr., Presiding ng RTC Branch 30 ng Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa kasong tatlong beses na panggagahasa.


Napag-alaman na nitong nakaraang taon lamang nangyari ang insidente na panggagahasa ng suspek sa menor de edad na hindi pinangalanan

Posibleng habang buhay na pagkabilanggo ang kaharapin ng akusado batay sa isinilbing warrant of arrest nito na walang kaukulang piyansa.

Ang akusado ay agad na ibiniyahe ng mga otoridad mula sa Lupao, Nueva Ecija papunta sa Kasibu, Nueva Vizcaya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments