San Miguel Beermen, kampeon sa PBA Commissioner’s Cup

205

Manila, Philippines – Itinanghal na kampeon ang San Miguel Beermen sa PBA Commissioner’s Cup finals matapos ilampaso sa game 6 ang TNT Ka-Tropa sa iskor na 108-84.

Unang kwarter pa lamang ng laro ay umarangkada na ang beermen at hindi na nakahabol pa ang TNT.

Nakamit naman ni Alex Cabagnot ang best player of the game matapos kumadada ng 19 points, 11 rebounds, 11 assist.


Si Cabagnot din ang finals most valuable player.

Ito ang unang PBA Commissioner’s Cup title ng Beermen kung saan sa ilalim ni Coach Leo Austria ay mayroong kabuuang limang kampeonato sa loob ng walong conference.
Photo from: spin.ph

Facebook Comments