Tatlong miyembro ng MMFF Executive Committee, nag-resign

114

Manila, Philippines – Nagbitiw sa kani-kanilang pwesto ang tatlong Metro Manila Film Festival Executive Committee matapos isapubliko ang mga official entries.

Ito’y sina Ricky Lee, Rolando Tolentino at Kara-Magsanloc-Alikpala.

Sa post ni Lee sa social media accounts nito, sinabi nito na nag-resign siya dahil naramdaman nito na hindi naipagpapatuloy ang reporma sa MMFF.


Nabatid na pasok sa MMFF 2017 ang mga pelikula nina Coco Martin, Vice Ganda, Daniel Padilla at Vic Sotto.

Facebook Comments