Nagpamahagi ang San Miguel Corporation ng abot sa dalawamput tatlong milyong pisong halaga ng relief items sa mga evacuees ng pag-putok ng Bulkang Taal.
Sinabi ni San Miguel Corporation President Ramon Ang na mga canned goods, biscuits, gatas, kape at mga itlog ang naipamahagi ng kompanya sa iba’t-ibang evacuation centers.
Bukod dito, namigay din ang kompanya sa pamamagitan ng Food Unit nito ng mga blanket, facemasks, sleeping mats at mga damit para sa mga evacuees.
Habang ang mga empleyado ng kompanya ng nag-ambag-ambag upang makapagbigay ng mga damit, sabon pangligo, sabong panlaba, sanitizing alcohol, tsinelas at iba pa.
Bukod sa mga evacuees, namahagi din ng San Miguel Corporation ng libu-libong kilo ng pagkain ng mga alagang hayop sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS).
Ang PAWS ay isang non-government organization na nagsasagawa ng rescue sa mga alagang hayop na iniwan ng mga evacuees noong sumabog ang Bulkang Taal.
Naglagay din ang kompanya ng mga water feltiring stations upang may malinis na tubig inumin ang mga evacuees sa Batangas at Cavite.
Libre naman sa mga toll gate ng South Luzon Expressway at Star Tollway ang sinumang pribadong sector na magdadala ng mga relief goods para sa mga biktima ng Taal Erruption.
Noong nakaraang Linggo ay sinimulan na ng San Miguel Corporation ang libreng toll fee sa mga government vehicle na nagsasagawa ng relief and rescue operations sa Batangas at Cavite.