Nagpamahagi ng relief goods ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa mga barangay ng Nining, San Jose, Cacabugaoan, at Sta. Maria East bilang tugon sa pinsalang iniwan ng bagyong “Paolo.”
Bawat pamilyang apektado ay nakatanggap ng tig-anim na kilo ng bigas, 10 piraso ng canned goods, at 10 sachets ng drink mix o instant soup.
Kasabay ng relief operation, nagbigay rin ang pamahalaang lokal ng tulong pangkalusugan gaya ng libreng medical assistance at gamot.
Katuwang sa operasyon ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management (MDRRM) ng San Nicolas.
Nakiisa rin sa pamamahagi ang Philippine National Police (PNP) San Nicolas, Philippine Army, at Rural Health Unit (RHU).
Samantala, nanawagan ang pamahalaan ng San Nicolas sa mga nais pang magbigay ng tulong para sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo na lumapit lamang sa kanilang himpilan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









