
Nakapiit na sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City ang alkalde ng San Simon Pampanga na si Mayor Abundio “JP” Punzalan Jr.
Ito’y makaraang maaresto sa ikinasang entrapment operation ng NBI Intelligence Service (IS) sa isang restaurant sa Clark nitong August 5, 2025.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nahaharap ang alkalde sa kasong Robbery Extortion, RA 3019- Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at posibleng paglabag din sa illegal possession of firearms.
Matatandaang, naaresto ang alkalde dahil sa aktong pagtanggap ng umano’y suhol kapalit ng isang resolusyon mula sa lokal na pamahalaan.
Base sa reklamong inihain ng RealSteel Corporation, humingi umano si Mayor Punzalan ng ₱80-milyong suhol — ₱30 milyon bilang paunang bayad at ang nalalabing ₱50 milyon ay babayaran nang hulugan.









