Sandamakmak na basura, tumambad pagkatapos ng Traslacion!

Manila, Philippines – Ang Traslacion ay naging “trash”-lacion!

Ito ay matapos maiwan ang sangkaterbang basura sa mga rutang dinaanan ng andas ng Itim na Nazareno.

Tulong-tulong ang mga kawani ng DPWH at MMDA sa paglilinis at paghahakot ng mga basura.


Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago – walang silang magawa kundi pasunurin ang mga street sweeper sa buntot ng Traslacion para mabilis na mawalis ang mga kalat.

Bukod sa mga basura, nasira rin ang mga halaman sa mga traffic divider sa bahagi ng Padre Burgos Street matapos na matapakan ng mga deboto.

Dismayado naman ang EcoWaste Coalition sa kabila ng kanilang taon-taon nilang panawagan.

Ayon sa grupo, samu’t saring plastic na nilagyan ng pagkain at mga bote ng inumin ang itinapon lamang sa mga kalsada.

Anila, mistulang hindi pinahalagahan ng mga deboto ang kalikasan sa kanilang pagkakalat habang humihingi ng himala sa Itim na Nazareno.

Facebook Comments