Maaliwalas na panahon sa buong Luzon, asahan

Patuloy na magdadala ng malamig na panahon ang hanging amihan.

Umiiral ito sa buong Luzon at Kabisayaan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – maaliwalas ang Luzon kasama ang Metro Manila.


Maganda rin ang panahon sa Visayas at Mindanao.

Mapanganib sa mga maliliit na sasakyang pandagat ang maglayag sa mga baybayin ng Catanduanes, Sorsogon, Northern at Eastern Samar, Siargao at Dinagat Islands, maging sa silangang baybayin ng Surigao Provinces.

Facebook Comments