Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang motion to quash sa 194 na kasong isinampa laban kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., kaugnay sa paglustay sa P900 Million Malampaya Fund.
Sa resolusyon inilabas ng Anti-graft Court hindi pinaburan ng Korte ang kahilingan ni Andaya sa kanyang kaso dahil lamang sa kanyang punto na ang kanyang pagpirma tulad ng special allotment release orders o SARO ay hindi nangangahulugan na ito ay may elemento ng graft at malversation.
Pinagbatayan ng Korte ang August 20, 2018 resolution sa pagbasura sa mosyon ni Andaya.
Kinakitaan ng Korte ng sapat na basehan para ituloy ang kaso at sa pagdinig na lamang depensahan ni Andaya ang sarili.
Ikinukusidera din ng Korte na moot and academic ang motion to quash ni Andaya.