Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating first gentleman Mike Arroyo hinggil sa pagkakasangkot nito umano sa ma-anomalyang chopper deal sa Philippine National Police (PNP) noong 2009.
Batay sa resolusyong may petsang September 21, sinabi ng Sandiganbayan 7th Division na natanggap na nila ang kopya ng utos ng Korte Suprema upang bitawan si Arroyo sa kaso.
Nitong December 1, 2021 ay pinagbigyan ng Korte ang motion for reconsideration na inihain ni Arroyo para baligtarin ang naunang desisyon ng korte nitong January 27, 2020.
Dahil dito, binawi na rin ang hold departure order laban kay Arroyo.
Mababatid na inakusahan ang dating first gentleman ng conspiracy sa pagbenta ng dalawang second-hand choppers sa PNP sa kabila ng requirement ng National Police Commission (NPC) na bumili lamang ng bagong choppers