Manila, Philippines – Tuluyang ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong graft laban kay dating Govt. Corporate Counsel Agnes Devanadera.
Kaugnay ito ng compromise agreement na nilagdaan ng Philippine National Construction Company sa British lending entity bilang kabayaran sa utang nitong 6 na bilyong piso.
Sa 12-pahinang resolusyon, pinagbigyan ng anti-graft court 1st division ang urgent motion ni Devanadera para ibasura ang kanyang kaso.
Tinukoy nito ang kamakailan ay pagbasura sa mga kaso laban sa 12 dating opisyal ng PNCC na mga kapwa niya akusado.
Sa pagbasura sa kanyang kaso, tinukoy naman ng korte ang inordinate delay sa panig ng ombudsman sa pagsasagawa ng preliminary investigation.
Binigyang bigat ng korte ang argumento ni Devanadera na inabot ng mahigit 6 na taon bago nakumpleto ng Ombudsman ang preliminary investigation nito mula nang maihain ang reklamo ni dating PNCC President Luis Sison noong October 2010, dahil November 2016 na naisampa ang kaso sa Sandigabayan.
DZXL558, Conde Batac