SANG-AYON | SEN. LACSON SA PAG-ABSWELTO KINA PAOLO DUTERTE AT MANS CARPIO

Sang-ayon si Senador Panfilo Lacson sa pag-abswelto ng Ombudsman special fact-finding panel kina presidential son Paolo Duterte at bayaw niyang si Atty. Mans Carpio sa kaso kaugnay sa paglusot sa Bureau of Customs ng 6.4 billion pesos na shabu galing sa China.

Ayon kay Lacson, maging sa Senate hearing na pinangunahan ng Blue Ribbon Committee ay wala ding mga direktang ebidensyang lumutang na nagdidiin kina Duterte at Carpio.

Sabi ni Lacson, kung pagbabasehan ang minutes at transcript ng hearing pati ang testimonya ni customs broker Mark Taguba ay lalabas na hearsay o tsismis lamang ang akusasyon kina Duterte at Carpio.


Sa tingin ni Lacson, ang naging problema sa hearing ay hindi naimbitahan ang mga taong binanggit ni Taguba, tulad nina ‘Tita Nani’ at mga miyembro ng Davao group, na maaring nagpatunay sana sa umano’y pagkakasangkot nina Duterte at Carpio sa drug smuggling.

Facebook Comments